
Para sa ikabubuti ng lahat, pinatupad ang community quarantine. Pero ngayong patuloy na nadadagdagan ang mga kailangang gawin, hindi maiiwasan ang paglabas natin. Paano natin susundin ang social distancing kung kailangang bumili ng load, surfing, o broadband packages para makapag-work-from-home, o kapag kailangang bumili ng groceries, gamot, at iba pa? With GCash, hindi mo na kailangang mag-alala pa dahil pwede mo itong gamitin bilang mobile wallet app para magawa ang mga errands na ito.
Gamit ang GCash app, pwede kang bumili ng load, magbayad para sa online shopping, at iba pa gamit lang ang smartphone mo anytime, anywhere. Pwede ito sa kahit anong network at regulated pa ng Bangko Sentral ng Pilipinas, kaya makakasiguro kang safe, secure, at reliable itong gamitin.
Madali lang at libre ang paggawa ng GCash account! Kung meron ka nang account, i-skip ang mga steps sa ibaba at i-click ito.
Paano Gumawa ng GCash Account
- I-download ang GCash sa App Store, Google Play, or App Gallery
- Mag-sign up gamit ng iyong mobile number. Lahat ng networks pwede, kahit hindi Globe!
- I-enter ang kinakailangan na impormasyon at siguraduhin na katugma nito ang mga detalye sa iyong valid ID
- Gumawa ng 4-digit mobile PIN (MPIN)
- I-enter ang authentication code na itetext sa iyong cellphone
- Mag-log in sa app gamit ng iyong MPIN
Sunod, i-verify ang iyong account gamit ng iyong valid ID at isang selfie para ma-access mo lahat ng GCash features and services. Sundin ang mga sumununod:
- Buksan ang menu sa app at i-tap ang ‘Verify Now’
- I-tap ang ‘Get fully verified’
- Pumili ng valid ID sa listahan
- Kumuha ng malinaw na picture ng iyong ID at i-tap ang ‘Submit’
- Kumuha ng selfie—don’t worry, walang makakakita nito maliban sa amin!
- Kumpletuhin ang kinakailangang impormasyon at siguraduhin na pareho ang mga detalye sa iyong government ID
- I-review ang iyong impormasyon at siguraduhin na ito ay kumpleto at tama
- I-tap ang ‘Confirm.’ Hintayin ang resulta ng iyong application na matatanggap mo sa loob ng ilang minuto via SMS.