With GCash, tuloy ang pang-araw-araw na gawain!

Posted on April 2, 2020 | 2 minute read

Kahit na kailangan natin manatili sa bahay habang naka-community quarantine, kailangan pa rin natin tuparin ang ating mga usual responsibilities. Karamihan sa atin ay hindi pwede magtrabaho o lumabas, pero gumagamit pa rin tayo ng kuryente sa bahay araw-araw, tuluyang nababawasan pa rin ang ating food supplies, at ang iba sa atin ay kailangan ring magpadala ng tulong sa kanilang mga kapamilya.

Buti nalang may GCash–kaya mo nang gawin lahat ng mga ito habang nasa bahay ka lang!

Paano I-Set Up ang Iyong GCash Account

Madali lang mag-register sa GCash at wala pang bayad! Sundin lang ang sumusunod na steps para mag-download at mag-register:

  1. I-download ang GCash sa App Store, Google Play, or App Gallery
  2. Mag-sign up gamit ng iyong mobile number. Lahat ng networks pwede kahit hindi Globe!
  3. I-enter ang kinakailangan impormasyon at siguraduhin na katugma nito ang mga detalye sa iyong valid ID
  4. Gumawa ng 4-digit mobile PIN (MPIN)
  5. I-enter ang authentication code na itetext sa iyong cellphone
  6. Mag-log in sa app gamit ng iyong MPIN

Sunod, i-verify ang iyong account gamit ng iyong valid ID at isang selfie para ma-access mo lahat ng GCash features and services. Here’s how:

  1. Buksan ang menu sa app at i-tap ang ‘Verify Now’
  2. I-tap ang ‘Get Fully Verified’
  3. Pumili ng valid ID sa listahan
  4. Kumuha ng malinaw na picture ng iyong ID at i-submit
  5. Kumuha ng selfie–don’t worry, walang makakakita nito maliban sa amin!
  6. Kumpletuhin ang kinakailangang impormasyon at siguraduhin na pareho ang mga detalye sa i